
Isinagawa noong Disyembre 14, 2025, ang isang libreng rehiyonal na webinar na may temang “Hinubog ng Hamon: Mga Estratehiyang Pangwika Tungo sa Pagsasapraktika sa Isang 21st Century Filipino Classroom.” Inorganisa ito ng mga mag-aaral sa masterado ng Ateneo de Naga University Graduate School katuwang ang Samahan ng mga Guro sa Intelektuwalisasyon ng Filipino (SAGIF) Inc.
Tampok sa webinar ang mga talakayan ukol sa pagsasapraktika ng limang (5) makrong kasanayang pangwika (Pakikinig, Pagsasalita, Pagbasa, Pagsulat, at Panonood) sa makabagong silid-aralan ngayong ika-21 siglo.
Naghatid ng mahahalagang panayam ang mga mag-aaral sa ikalawang taon ng pag-aaral sa antas-masterado mula sa nasabing institusyon upang gabayan ang mga guro sa pagpapahusay ng kanilang pagtuturo. Sinimulan ito ni Mike Harold T. Jalata sa kaniyang talakay na may pamagat na “Masarap ka bang Kausap?” (Pagsasalita); sinundan naman ito ni Darwin P. Aleno sa panayam na “Nakakabasa ka ba?” (Pakikinig); humataw rin si Noli P. Babiera sa kaniyang titulong “Mahusay ka bang Magsulat?” (Pagsulat); at si Sharon L. Curioso sa paksang “Paano ka Manood?” (Panonood).
Nagsilbing pagtitipon ang birtuwal na gawaing nangyari sa pamamagitan ng Zoom upang matulungan ang mga gurong maging handa at epektibo sa pagtuturo ng Filipino lalo na sa gitna ng mga hamon ng ika-21 siglo. Ito rin ay bahagi ng course requirement ng mga nasabing mag-aaral para sa kanilang kursong EDFI213 o Mga Pamamaraan sa Pagtuturo ng Wika at Panitikang kasama sa in-offer na asignatura ngayong semestre. Nagtapos ang programa sa isang malayang talakayan at pampainid na gawain.
Inihanda ni Noli P. Barbiera, MAED Filipino