You are currently viewing Dr. Victoria Pinaranagaln sa 2019 Gawad Tanglaw sa Pagtuturo ng Sining ng Komunikasyon

Dr. Victoria Pinaranagaln sa 2019 Gawad Tanglaw sa Pagtuturo ng Sining ng Komunikasyon

  • Post author:
  • Post category:Featured / News

Sa ika-17 taunang Gawad Tanglaw ay ipinagkaloob kay Dr. Vasil A. Victoria ng Ateneo de Naga University ang pagkilala sa kaniya sa Pagtuturo ng Sining ng Komunikasyon. Naganap ang Gabi ng Parangal para sa hanay ng mga Akademisyan, Manggagawang Pangkultura, Alagad ng Sining at Artista ng Bayan noong ika-8 ng Mayo 2019 sa Awditoryum ng Museo ng Muntinlupa, Lungsod Muntinlupa.

Mababasa sa sulat na ipinadala kay Dr. Victoria ang citation na “ipinagkakaloob ang parangal na ito sa alagad ng institusyonal pang-akademyang may adbokasiya at natatanging kontribusyon sa larangan ng edukasyon at komunikasyon.”

Isa si Dr. Victoria sa hanay ng akademya na pinili ng Pamunuan ng Gawad Tanglaw sa kaniyang kahusayan bilang guro sa loob ng 15 taong may excellent rating sa kaniyang taunang ebalwasyon bilang fakultad ng Ateneo de Naga University at ang kaniyang ambag at impluwensiya sa pagpapalakas at pagtataguyod ng wikang Filipino sa Bikol.

Ang Gawad Tanglaw (Tagapuring Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) ay binubuo ng mga propesor mula sa iba’t ibang pamantasan sa iba’t ibang dako ng bansang kumikilala sa makabuluhang ambag ng mga taong kabilang sa akademya gayundin sa lahat ng kumakatawan sa midya (print, radyo, telebisyon at pelikula).