You are currently viewing ATTC Pandaigdigang Seminar-Worksyap sa Ateneo, Matagumpay

ATTC Pandaigdigang Seminar-Worksyap sa Ateneo, Matagumpay

  • Post author:
  • Post category:Featured / News

Dinaluhan ng 261 na kalahok mula sa iba’t ibang dako ng Rehiyong Bikol at iba pang karatig-lugar ang kauna-unahang Pandaigdigang Seminar-Worksyap sa Filipino na ginanap sa Arrupe Convention Hall ng Ateneo de Naga University noong ika-17-19 ng Agosto 2018.

 

 

Pinangunahan ang gawaing ito ng Ateneo Teacher Training Center sa pamumuno ni Dr. Arnulfo Aaron R. Reganit. Naging kabuoang tema ng nasabing seminar-worksyap ang ‘Araling Filipino: Ugnayang Wika, Kultura at Midya sa Pagtuturo, Pagkatuto at Pananaliksik.’

Tatlong susing tagapagsalita ang nagbahagi ng kanilang kaalaman at kahusayan sa nasabing paksa. Sinimulan ni Dr. Dexter B. Cayanes mula sa De La Salle University, Maynila ang unang araw. Naging tagapanayam naman sa ikalawang araw mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas, Maynila ang tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino ng nasabing institusyon na si Alvin Ringgo C. Reyes. Sa ikatlong araw naman naging tagapagsalita si Dr. Vasil A. Victoria ng Ateneo de Naga University.

Binigyan ng Professional Regulation Commission (PRC) ng 15 CPD puntos ang nasabing gawain. Sa pagtatapos ng seminar-worksyap, mas malawak at malalim na kaalaman at kasanayan ang naging baon ng mga kalahok batay sa kanilang ibinahagi sa bukas na talakayan at sa tulong ng apat na naging reaktor.