You are currently viewing Buhay ang Wikang Mapagbago

Buhay ang Wikang Mapagbago

  • Post author:
  • Post category:News

Pinatunayan ng katatapos pa lamang na Pambansang Seminar-Worksyap sa Filipino na ginanap noong ika-3-5 ng Agosto sa Ateneo de Naga University ang pagiging buhay ng wikang mapagbago. Naging tampok na tema ng nasabing gawain ang “Pagbabago, Pananaliksik at Pagtataya sa Akademikong Filipino. Dinaluhan ang seminar-worksyap ng 107 kalahok mula sa iba’t ibang dako ng bansa at ng rehiyong Bikol. Naging pangunahing tagapagsalita sina Dr. Vasil A. Victoria ng Ateneo de Naga University at Prof. Jan Henry M. Choa, Jr. ng De La Salle, College of St. Benilde. May limang nagpresenta ng kani-kanilang papel-pananaliksik na nakatulong sa paglilinaw ng temang iniikutan ng idinaos na seminar-worksyap.

Naging matagumpay ang gawaing ito sa pangunguna ng Ateneo Teacher Training Center (ATTC) sa pamumuno ng direktor nito na si Dr. Arnulfo Aaron R. Reganit. Isa sa pinakatampok na nangyari sa tatlong araw na panayam-palihan ay ang natanggap nitong 18 Puntos na Continuing Professional Development (CPD) mula sa Professional Regulation for Teachers (PRC).

Ang kakatapos pa lamang na seminar-worksyap ay isa sa mga unang gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2017 na may temang “Filipino: Wikang Mapagbago.”